Labour Rights in Filipino
- Video
- Maga pabatid ukol sa kontrata sa pagtatrabaho
- Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kontrata sa trabaho?
- Anuano ang mga impormasyong nilalaman ng kontrata?
- Anuano ang mga uri ng kontrata?
- Kailan matatapos o mapapawalang bisa ang kontrata?
Ang kontrata ay isang kasunduaan sa pagitan ng amo at manggagawa ukol sa mga kaukulang kabayaran kapalit ng serbisyo at pagtatrabaho. Ang anumang kasunduan sa pagitan ng amo at manggagawa ay nakasaad sa kontrata.
Ang Kagawaran ng paggawa ay nagbibigay ng halimbawa ng kontrata para sa mga Third country national na mga manggagawa na maaraing Makita sa site na ito: https://cutt.ly/EklBDSL. Ang pagbibigay bisa sa permit na makapagtabaho ay ipinagkakaloob ng Ministro ng Migrasyon at Kagawaran ng Ministrong Panloob.
Ang kontrata sa trabaho ay naglalaman ng mga responsiblidad, tungkulin at prebilehiyo ng amo at manggagawa, depende sa uri ng kontratang nakasaad dito. Ang panayon sa batas, maaaring mapawalang bisa ang kontrata ng pagsubok ay itinatalaga sa loob ng dalawampu’t anim na lingo, subalit maaaring magtagal hanggang isang daan at apat na lingo. Ayon sa batas, maaaring mapawalang bisa ang kontrata kahit di pa natatapos ang pagsubok. Kung magkagayon, nararapat lamang na ito ay nakasulat sa kontrata.
Sangayon sa mga pamantayang inilabas ng European Union, nararapat na maging malinaw ang mga sumusunod na impormasyong may kaugnayan sa kontrata:
- ang pagkakakilanlan ng dalawang partido sa kontrata, ang amo at maggagawa;
- ang lugar na pagtatrabahihan, ang lugar ng negosyo o ang itrahan ng amo;
- ang mga ispesipikasyon ng trabaho ng manggagawa, ang kanilang tungkulin at responsibilidad;
- ang simula at katapusan ng kontrata ng trabaho;
- mga pabatid at ispesipikadong panahon;ang tagal o haba ng taunang bakasyon na nararapat sa mga manggagawa;
- ang palugit para sa terminasyon ng kontrata;
- ang lahat ng mga benepisyo at kung kalian at paano ito ipgkakaloob sa mangagawa;
- ang tagal ng trabaho at oras ng serbisyo ng manggagawa at mga banepisyong kasama nito, batay sa pinag uusapan ng bawat partido.
Sangayon sa bataw Cypriot, nararapat na maisama ng amo ang mga impormasyong ito sa kontrata nang hindi lalampas sa unang buwan ng pagtatarabano ng manggagawa.
- Permanenteng kontrata – nakapallob ditto ang panahon na mag-uumisa at ailan matatapos ang kontrata ng trabaho
- Pansamantalang kontrata – kontratang may nakapaloob na tiyak at napagkasunduang panahon.
- Kontrata para sa pagsasanay – kontrata para sa pagapaunlad ng kasanayan ng manggagawa, maaaring may bayad o wala.
Ang mga TCN ay maaaring magkarron ng trabaho sa tatlong kategorya: mga manggagawang may pinakamataas na kasanayan, mga manggagawang walang kasanayan, mga pamanahunang manggagawa at mga manggagawang mula sa parehong kompanya.
Ang kontrata ay mapapawalang bisa sa anumang panahong nakapaloob kahit walang pabatid.
Ang pagpapawalang bisa nito ay maaaring dahil sa mga sumusunod:
- Paglabag na may kaugnayan sa mabuting pag-uugali
- Mga kasong krminal habang nasa trabaho
- Mga sunud sunod na paglabag sa mga kasunduang nakapaloob sa kontrata.
Ilan pang mga dahilan ng terminasyon ng kontrata:
- Kawalan ng kompiyansa at dedikasyon sa trabaho
- Pagkatapos o wakas ng kontrata
- Ang pagreretiro ng mangagawa
- Paulit ulit na mga paglabag
- Video
- Sistemang pangkalusugan sa Cyprus
- Kailan ka mapapabilang at magkakaroon ng benepisyo sa health care?
- Ang mga serbisyong nakapaloob sa GHS
- Pampribadong kasiguruhan para sa mga Hindi EU na manggagagawa
- Mga benipisyo para sa pagkakasakit at pagiging magulang
- Para sa mga benepisyo ng mga nawalan ng trabaho
- Mayroon bang mga tulong pinansyal?
- Maaari bang magpasa ng dokumento para sa tulong pinansyal ang mga dayuhan?
Simula Hunyo 2019, and mga sistemang pangkalusugan sa Cyprus ay ipinatutupad na sa ilalim ng General Health System.Ang layunin nito ay makapagbigay ng pangkalahatang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.
Layunin ng GHS na magkaroon ng tiyak at tamang kontribusyon para sa mga mamamayang Cypriot, mga mamamayang Europeo, thid-country nationals na mayroong pahintulot na manirahan sa Europa, gatundin ang mga TNC na nakapag-aambag subalit walang proteksyon sa kontribusyon.
Upang makapagpatala, bumisita sa website:
https://registration.gesy.org.cy/#/registration.
Samantala, ang Sistema ng GHS ay mayroon tatlong Sistema ng kontribusyon: ang may katuwang na kontribusyon, personal na kontribusyon I at personal na kontribusyon II
Para sa mga karagdagang kaalaman, bisitahin ang website na https://bit.ly/3rfT2Zd
Ang buwanang kontribusyon sa GHS ay 2.9 na bahagdan ng sahod na binabayaran ng mga amo at 2.65 bahagdan naman mula sa maggagawa.
Mas madaming kaalaman at impormasyon ang makukuha mula sa website ng GHS:
Ang GHS ay nagbibigay ng benipisyong pangkalusugan hindi lamang sa mga Cyriot at EU nationals kundi gayundin sa mga TCns. Ang pangunahing batayan ay ang pagiging residente ng mga lugar na nasa ilalim ng Republika ng Cyprus.Karagdagan dito, magkakaroon ng mga benepisyo kung: a. nagtatrabaho sa Cyprus, b. permanenteng residente, c. may pinangangalagaang kalagayan, d. myembro o benipisyaryo ng pamilya, e. nakasiguro sa ibang myembrong estado ng EU.
Para sa mga manggagawa sa Cyprus, ang knontribusyon sa GHS ay mahigpit na ipinatutupad, gayunman maaari pa ding piliin ang pansariling kontribusyon kahit na maaaring maging bahagi ng GHS.
Upang makakuha ng mga benepisyo sa GHS, kailangang magpatala sa mga sumusunod:
Ang mga talaan ng benepisyaryo ng GHS: Maaari itong gawin online o sa pamamagitan ng pagbisita sa personal na doctor. Para sa mga Cypriot na nais maging bahagi, nararapat na sila ay nakapagpatala sa Kagawaran ng Migrasyon o sa Talaan ng Pasiguro. Maaari ding kumuha ng sertipikasyon mula sa Health Insurance Organization.
Talaan ng mga Personal na Doktor: ang mga benepisyaryo ay maaaring maghanap ng mga personal na doctor na nakatala sa HIO website o iba pang portal o talaan na maibibigay ng HIO sa ibat ibang mga lugar.
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang talaan ng GHS. Ang sunud-sunod na panuntunan para sa mga hindi mamamayang Cypriot ay matatagpuan sa : https://bit.ly/388Jk37.
Ang mga kababaihan ay mayroong direktang ugnayan sa mga doctor para sa kanila mula edad 15 nang walang anumang babayaran.
Ang mga papeles para sa serbisyong pangkalusugan ay nakapaloob sa GHS.
Ang GHS din ang nagkakaloob ng mga serbisyo, ngunit ang mga ito ay kailangnang maging tiyak upang maitala at maisam sa Sistema.
Sa kasalukuyan, ang GHS ay nagkakaloob ng:
1.pagsangguni sa ibang doctor
- mga pagbibigay sangguni sa ibang doctor na may kaugnayan sa mga malalalang sakit
- pagsangguni para sa mga specimens at iba pang pagsusuri.
- pagsangguni para sa mga nars, mga dietician, mga therapist
- pagbibigay sangguni para sa mga sakuna at emergency
- pagbibigay sangguni para sa mga sentrong rehabilitasyon
- pagbibigay sangguni para sa mga laboratoryo
- Pagbibigay sangguni para sa mga gamut at produktong parmasyutiko
- mga serbisyong dental
- pagbibigay sangguni para sa mga doctor ng mga kababaihan.
- serbisyo ng ambulansya
- pantahanang mga serbisyo
- mga srbisyo para sa mga pasyente.
Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang :
Ang mga hindi mamamayang europeo na nakatira sa Cyprus, ay kinakailangang magkaroon ng pribadong planong pangkalusugan na kinakailangan para sa Kagawaran ng Migrasyon.
Gayundin, ang mga hindi mamamayang europeo na nais manirahan sa Cyprus bilang katulong, hardinero, magsasaka, mga nagmamaneho, gayundin ang mga mag-aaral na nais manirahan sa Cyprus ay nararapat na magkaroon ng kasiguruhang pangkalusugan.
Ang mga residenteng pangmatagalan ang permit, may panandalian o estydyanteng permit ay nangangailangan din g planong pangkalusugan para sa pagpapanibago ng visa.
Ang mga susuog ukol ditto ay matatagpuan sa: https://mihub.eu/en/info/info-by-topic/health
Mahigpit na ipinatutupad ang pagpapatala ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Cyprus. Kung magkagayon, ang sinumang legal na nagtatrabaho ditto ay maaaring mabigyan ng mga benepisyo.
Mayroon ding benepisyong salapi sa pagkakasakit, pagiging magulang, kawalan ng trabaho, pagiging imbalido, pagiging ulila, katandaan, kamatayan at permanenteng kapansanan.
Upang makakuha ng mga benepisyo sa pagkakasakit, magpasa ng papel na ito sa loob ng dalawampung araw kasama ang mga kailangang dokumento: https://bit.ly/3bfg2lp.
Ang mga kababaihan na nagtatrabaho sa Cyprys ay makatatanggap ng benepisyo sa panganganak na maaari nilang ipasa pagkatapos ng ika-pitong buwan ng pagbubuntis o hindi lalampas sa dalawampung araw mula matanggap ang benepisyo. Maaaring makuha ng papeles mula sa: https://bit.ly/3bfg2lp.
Ang mga benepisyo sa panganganak ay maaaring makuha na aabot sa labing walong lingo ng bahaging sahod.
Para naman sa mga manggagawa sa Cyprus na nais magpatala ng benepisyo bilang ama, maaari silang magpasa ng aplikasyon sa https://bit.ly/3e5bIXS. Ang applikasyon ay nakasukat sa Greek. Para sa mga hindi nakapagsasalita ng wikang griyego, maaaring magpadala ng email sa https://bit.ly/3bd9MdS.
Sa oras na angisang tao ay mawalan ng trabaho, kailangang kagyat na magpatala sa Opisina ng Paggawa sa distrito upang muling makahanap ng trabaho. Matapos ito, maaari nang mag-patala para sa mga benepisyo. Para makakuha ng mga benepisyo, nararapat na naabot ang kaukulang kontribusyon. Ang benepisyo ay maaaring umabot sa isang daan at limamput anim na araw ng sahod. Ipadala ang dokumento sa: https://bit.ly/309yKo7.
Para sa mga di nakapagssalita ng wikang Griyego, kailangang personal na bumisita sa opisina ng pasiguruhan o magpadala ng email sa https://bit.ly/3bd9MdS.
Para sa mga Cypriot at mamamayang Eu na walang mapagkukunan, maaaring magpatala para sa pinansyal na tulong sa Minimum Guarantees Income o MGI at magpasa ng dokumentong ito: https://bit.ly/389iyYE.
Para naman sa mga hindi mamamayang Europeo, maaaring ipasa ang dokumentong ito: https://bit.ly/3bh9fri.
Para sa mga hindi nakapagsasalita ng Griyego, maaaring humingi ng kaalaman ukol sa MGI mula sa opisina ng Pasiguruhan.
Upang matanggap ang mga benepisyong ito, kailangang masunod ang mga termino o mga hinihingi na may kaugnayan sa kita ng pamiya.
Griyego: https://bit.ly/3sS0udd
Maaari naman, basahing muli ang mga nakatala sa itaas.
- Video
- Ang pinakamababaang kita sa Cyprus
- Ang Sistema ng pagbubuwis
- Ano pa ang mga karagdagang kontribusyon na dapat mabayaran?
Walang nakabatas na pambansang minimum na sahod sa buong Cyprus subalit mayroong mga probisyon ang Minimum Wage Act of 1941. Ito ay para sa siyam na sumusunod na trabaho:
- sales staff
- mga nagtatrabaho bilang clerk
- mga personal healthcare staff
- mga nagtatrabaho sa paaralang pangbata
- mga security guards
- mga tagabantay at tagalinis.
Magkagayunman, nakapaloob sa Minimum Wage Order mula pa noong Abril 1, 2012 ay permanente para sa pitong okupasyong nakatala sa itaas at may per oras na sahod naman para sa mga security guards at mga tagapaglinis.
Ang pangunang minimum wage ay walung daan at pitumpong euro at naitaas sa siyam na daan at dalawamput apat pagkatapos ng anim na buwan sa parehog amo. Samantala ang ilang trabaho ay nananatili sa per oras na kompensasyon.
Ang aplikasyon para sa minimum na sahod ay sinisiguro ng Ministro ng paggawa, gayundin ng Pasiguruhan ng Kagawaran ng paggawa.
Ang mga indibidwal at mga samahan na naninirahan sa Cyprus ay nararapat na magbayad ng buwis sa kinikita sang ayon sa Batas ng pagbubuwis.
Sa kasalukuyan, ang pamantayang walang buwis na babayaran ay may halagang labng siyam na libo at limang daang euro. Kapag humigit na ditto, ang babayadan ay:
- Labingsyam na libo at limang daan at isang EUR hanggang dalawampu’t walong lining EUR ay dalawambpung bahagdan
- Dalawampu’t walong libo at isang EUR hanggang tatlumpu’t anim na libo at tatlong daang EUR ay may buwis na dalawampu’t limang bahagdan
- Tatlumpu’t anim na libo, tatlong daan at isang EUR hanggang animnapung libong EUR ay may kabuuang buwis na tatlumpung bahagdan
- At ang higit animnapung lbong EUR na sahod ay may babayarang buwis na aabot sa tatlumpu’t limang bahagdan.
Maliban sa buwis sa kinikita, kailangang mabayaran din ang mga kontribusyon sa:
Social Insurance: Ang kontribusyon para sa mga may trabahong indibidwal mula pa noong Abril 1, 2019 ay 17.9% at ang sa amo naman ay 8.3% sa kabuuang kita sa taon. Para naman sa mga manggagawang walang amo, ang kontribusyon ay aabot sa 16.9% ng kinikita.
General Health System (GHS): and buwanang kontribusyon sa GHS ay umaabot sa 2.9% na binabayaran ng amo at 2.65% naman mula sa manggagawa. Para sa mga manggagawang walang amo, 4% naman ng kontribusyon.
Ang nasa ibaba ay dalawang kategorya ng karagdagang kontrbusyon, ang mandatoryang pagbabayad at ang maluwag na pagbabayd, na sang ayon sa kasunduan ng amo at manggagawa.
- Ang mga mandatoryang kontribusyon ng Amo lamang
Social Cohesion Fund: Ang kontribusyon dio ay napupunta sa European Union, at ang salaping nakapagak ditto ay para sa pagpapatuloy ng mga estado ng EU. Nagbabayad ang amo ng 2% ng buwanang sahod ng manggagawa.
Redundancy Fund: Ito naman ay binabayaran ng amo sa mga pagkakataong tinanggal sa trabaho ang manggagawa. Umaabot sa 1.2% ang kontribusyon para ditto.
Industrial Training Fund: Ang amo lamang ang nagbabayad nito. Ang nalilikom na halaga ay para sa mga pagsasanay ng mga manggagawa. 0.5% ang ibinabayad para sa pondong ito.
- Opsyunal na pagbabayad ng kontribusyon ng amo at manggagawa
Provident Fund: ito ay sabay na pagbabayad ng pondo ng amo at manggagawa. Sa panahon ng [agreretiro, nakukuha ito ng manggagawa.
Pampribadong Medikal na Kasiguruhan: Ito ay binabayaran ng amo ay ng manggagawa. Ito rin ay pinatutupad na bayaran ng mga hi Europeong mamamayan.
- Video
- Mga kaalaman ukol sa Unyon
- Ang papel na ginagampanan ng Unyon sa pamilihan ng paggawa
- Mga serbisyo para sa mga kasapi ng unyon
- Ang mga Trade Union sa Cyprus
- Ang pagkatawan sa lugar ng trabaho
- Ilan pang mga samahan na makatutulong
Ang mga union sa Cyprus ay napahihintulutan ng Arikulo sa konstitusyon na nagsasabing ang bawat tao ay may kalayaan at karapatan sa pagkakaroon ng mapayapang asembleya.
Ang mga ugnayang industriyal sa Cyprus ay mayroong mataas na tala ng mga kasapi na tinatayang mayroong labing pitong libong kasapi. Ang dalawang pangunahing union ay PEO at SEK na mayroon sa lahat ng mga industriya.
Ang pangunahing gampanin ng union ay nakasentro sa:
- pagbuo ng desisyon ng mga manggagawa
- pakikipag ugnayan sa mga amo
- pakikipag usap at pakikipagkasundo
- suporta, legal na payo at kaalaman
Ang sang manggagawa ay maaaring maging kasapi ng union sa edad na labing anim. Ang kontrata sa pagitan ng manggagawa at union ay napangangalagaan ng batas.
Ang mga pangnahing serbisyo ng union ay:
- mga plano para sa kalusugan
- pakikipag ugnayan sa amo
- mga payo sa mga manggagawa ukol sa mga legal na bagay
- paglutas ng mga sigalot sa paggawa
- pagsasaliksik ukol sa paggawa at mga isyong nakapaloob ditto.
Gayundin, ang mga amo ay inaatasang bigyan ng kaalaman ang mga kinatawan sa ilalom ng mga sumusunod na layunin:
- para sa pakikipag-ugnayan at pakikipagkasundo sa mga manggagawa
2.para sa mga konsutasyong may kinalaman sa trabaho
- para sa implementasyon ng mga batas na may kaugnayan sa trabaho
- para sa mga isyu ng di pagkakasundo at paghahanap ng mga sulusyon kaugnay nito
Ang PEO at SEK ang pinakamalalaking mga union sa bansa. Ang PEO ay may mas metatag na linya sa mga mganggagawa. Samantala, mas maliit naman ang konsiderasyong g DEOK at Poas. Karagdagan sa mga konsiderasyong ito ay para sa mga PASYDY o mga nasa serbisyo publiko, ETYK para sa mga nasa setor ng bangko at OELMEK at POED para naman sa mga guro at augnay na propesyon.
PEO: https://www.peo.org.cy/el/
Ang pagkakaroon ng mga kinatawan ng trabaho sa Cyprus ay naisasagawa sa pamamagitan ng mga union ng manggagawa. Habang maluwag ang mga regulasyon, nananatili ang mga restriksyon sa ilalim ng Industrial Relations Code.
Simula 2005, ang mga kumpanyang mayroong tatlumpo o higit na manggagawa ay sinigurong mayroong representasyon sa pamamagitan ng union. Sa ganitong paraan, nasisiguro ang pagkakaroon ng kinatawan para sa kalusugan at kaligtasan sa trabaho, ang pagkakaroon ng samahan sa trabaho, disiplna at matuwid na ipmlementasyon ng mga lehislasyon.
Ang mga samahan at union ay makatutulong sa mga TCNs sa pamamagitan ng:
- pagbibigay ng suportang legal
- adbokasiya laban sa eksploytasyon
- pangangalaga sa mga karapatan
- pargbibigay tulong para sa paghahanap ng tamang otoridad o mga kinatawan
- pagpapatatag ng mga polisiya at repormand industriyal sa trabaho
Sa Cyprus, walang tiyak na union para sa mga karapatan ng TCN, gayunman ang PEO ay isang union na tumutulong sa anumang sitwasyon o sirkumstansya. Snisikap ng PEO na lagging malimitahan o walang anumang sigalot na mangyari habang nagtatrabaho ang manggagawa.
May mga balakid sa malinaw na ugnayan ng mga manggagawa at union kagaya ng lengwahe at kultura, kawalan ng mapagkukunan, kaguluhan, kawalan ng kaayusan sa kaso ng mga domestic workers. Mahalagang malaman na sa panahon ng pagsaliksik ukol sa programang ito, nakita na ang ilang manggagawa particular na ang mga katulong ay di pinapayagang makasali sa union simula noong Mayo 2019. Ang kalagayang ito ay di mainam lalot higit ng kanilang kontrata ay nakapaloob sa Aliens and Migrations Deparment sa Mindstro ng Paggawa. May isang kaugnay na tala ukol ditto na maaaring mabasa sa: https://bit.ly/3kKZcOp.
Ang mga manggagawang TCN sa Cyprus ay maaaring makahingi ng tulong ukol sa mga isyung may kinalaman sa trabaho sa mga sumusunod:
1.Department of Labour Relations na mamamagitan sa mga di pagkakasunod
- Cyprus Regugee Council – Help Refugees Work
- KISA para sa pangkalahatang suporta.
- Caritas Cyprus para sa pangkalahatang suporta
- UNCHR para sa mga kanlungan ng mga refugees
- PEO para sa mga unyong may kaugnayan sa paggawa.
- Video
- Kaligtasan habang nasa trabaho
- Mga samahang maaaring hingan ng tulong
- Ang mga oras ng pagtatrabaho, pahinga, taunang bakasyon at kabayaran sa pagkakasakit
- Propesyunal na pag-unlad ng mga manggagawa
- Mga pamantayan ng kaligtasan sa trabaho
Ang Kagawaran ng Paggawa at Inspeksyon ay siyang tuwirang responsible sa pagsiguro na ang kaligtasan at kalusugan ay napananatili sa lugar ng trabaho. Ang mga tagasiguro ay ang mga opisyal na hinirang ng Ministro ng Paggawa at Kasiguruhang Sosyal. Gayundin, ang kagawaran ay may kanya kanyang mga opisina sa lahat ng distrito.
Kaugnay ng kaligtasan sa lugar paggawa, ang bawat amo na mayroong dalawa o higit na manggagawa ay nararapat na magtalaga ng kinatawan para sa kaligtasan na pipiliin mula sa mga manggagawa. Siya ang magiging kinatawan ng kanyang mga kasamahan kaugnay ng mga isyu na may kaugnayan sa pangangalaga laban sa mga panganib sa lugar ng paggawa. Ang isang amo na mayroong higit dalawang daang tauhan naman ay inaatasang humirang ng isang opisyal para sa kaligtasan na siyang makikipag ugnayan ukol sa mga isyung may kinalaman sa kalusugan at kaligtasan habang nasa lugar ng trabaho.
Ang mga manggagawa ay maaaring magkaroon ng higit na kaalaman sa pamamagitan ng pagbisita sa mga sumusunod na sangay na nasa ilalim ng Ministro ng Paggawa at Kabutihang Panlahat:
Kagawaran ng Inspeksyon sa Paggawa:
Kagawaran ng Paggawa: https://cutt.ly/8z3KM5J
Kagawaran ng Paggawa at Ugnayan:
http://www.mlsi.gov.cy/mlsi/dlr/dlr.nsf/index_en/index_en?OpenDocument
Upang makapaghain ng reklamo nang di nagpapakilala:
http://www.mlsi.gov.cy/mlsi/dlr/dlr.nsf/page35_en/page35_en?OpenForm
Upang makapaghain ng pormal na reklamo:
http://www.mlsi.gov.cy/mlsi/dlr/dlr.nsf/page34_en/page34_en?OpenForm
Para sa mga Batas ng Pagkakapantay pantay sa trabaho:
Oras ng Paggawa: Ang bilang ng oras sa pagtatrabaho ay di dapat lumampas sa apatnapu’t walo, kasama na ang overtime, sa loob ng apat na buwan. Gayunman, sa mga piling sector kagaya ng industriya ng patirahan, mayroong mga limitasyon na maaaring ipatupad. Ang mga manggagawang nagtatrabaho sa gabi ay di dapat lumampas sa walong oras ang trabaho o lumampas sa oras na nakatakda sa kontrata. Para samga mangagawang gabi ang trabaho na mayroong banta sa lugar paggawa, hindi rin maaaring lumampas saw along oras ang trabaho.
Bilang karagdagan, ang mga sumusunod ay di kabilang sa mga restriksyon na unang nabanggit: 1. ang mga kaso ng aktwal na sakuna na may kaugnayan sa mga pasilidad.; 2. Mga kaso ng dagliang pagtatrabaho upang maiwasan ang pagksira ng mga produkto o mga sitwasyong may direktang kaugnayan sa hakbang ng amo.; 3. Mga kalagayanng may kaugnayan sa pagtanggap ng mga produkto, paghahanda ng mga papeles at pagbabayad ng mga danyos at pagsasara ng mga libro; 4. Mga sitwasyong may kaugnayan sa di pangkaraniwang hamondala ng mga di inaasahang pangyayari.
Bilang karagdagan, ang mga manggagawa ay may karapatan sa mga benipisyong kagaya ng: a. labing isang oras ng pahinga sa isang araw; b. dalawampu’t apat na oras ng pahinga sa loob ng isang lingo at c. aalinman sa mga oras ng pahinga na aaboy sa dalawampu’t apat na oras o di bababa sa apatnapu’t walong oras sa loob ng labing apat na araw.
Taunang bayad na bakasyon: Ang pinakamababang bilang ng araw ng bakasyon ay dalawampu para sa mga manggagawang nagtatrabaho ng limang araw sa isang lingo, samantalang dalawampu’t apat na araw naman para sa mga nagtatrabaho ng anim na araw sa loob ng isang lingo. Ipinagkakaloob ang taunang bakasyon para sa mga manggagawang nagtrabaho ng apatnapu’t walong lingo sa loob ng isang taon. Kung hindi naman, ang taunang bakasyon ay ibabase sa kung ilang lingo sila nakapagtrabaho. Habang nasa bakasyon, ang manggagawa ay babayaran mula sa Central Leave Fund. Ang knontribusyon ng amo sa Central Leave Fund ay walong bahagdan ng kabuuuang kita ng manggagawa. Mayroong karapatan ang amo na magdesisyon kung pagkakalooban ng bakasyon ang manggagawa o kung paiikliin ang araw ng bakasyon.
Ang mga sumusunod ay hindi itinuturing na bakasyon: mga pampublikong bakasyon, bakasyon pagkatapos manganak o manganak ng mga asawang babae, pagliban dahil sa pagkakasakit, pagliban sa trabaho dahil sa mga welga o pag aaklas, oras o panahon ng pagtatanggal sa trabaho o mga pwesahang pagpapaliban. Mahalagang malaman na sa pamamagitan ng mabuting usapan ng amo at manggagawa ay maaaring makuha ng manggagawa ng taunang bakasyon sa loob ng dalawang taong palugit.
Pagkakasalit: Ang pagliban dahilan sa pagkakasakit at ang mga kaukulang kabayaran ditto ay nakasalig sa kung ano ang nakalagay sa kontrata. Para sa mga regular na mangggawa ang pagbabayad ay mula sa ika apat na araw ng pagkakasakit, samantalang simula sa ika siyam na araw naman para sa mga manggagawang walang regular na amo.
Ang Human Resource Development Authority ay isang sangy ng pamahalaan na naglalayong makapagbigay ng sistematikong mga pagsasanay para sa ikauunlad ng mga manggagawa. Nagkakaloob din sila ng pondo para sa mga pagsasanay na naglalayong hubugin ang mga kakayahan ng mga manggagawa. Ang mga amo mula sa pribadong sector ay nag-aambag ng limang bahagdan ng kabuuang buwanang sahod para sa pondo ng pagsasanay.
HRDA: http://www.anad.org.cy/
Gayundin, ang Cyprus Productivity Center (CPC) ay nagsasagawa ng mga pagsasaliksik, mga programa at pagsasanay na naglalayong magkaloob ng tuong sa mga manggagawa upang magamita ang kanilang mga kasanayan sa mabuting pamamaraan.
Ang mga sumusunod ang pangunahing hakbang na dapat gawin ng mga amo upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa habang nasa trabaho:
- Ang pagpapanatili ng ligtas na lugar ng trabaho ay mahalaga. Ang pangangalaga sa kalusuang ay kinapapalooban ng pagsigurado na walang magiging sakuna habang ang manggagawa ay nagtatrabaho.
- Ang pagbibigay ng malinaw na instruksyon, oryentasyon at mga pagsasanay upang masiguro ang kaligtasan habang nasa trabaho.
- Ang patuloy na pagpapaunlad ng mga sistemang pangkalusugan at pangkaligtasan sa anumang sitwasyon.
- Ang pagpapatuloy ng mga benipisyo para sa mga kinatawan ng paggawa, upang higit nilang magampanan ang kanilang tungkulin.
- 5Kailangang sundin ng mga amo ang mga prinsipyo na mangangalaga sa mga manggawa laban sa panganib habang nasa trabaho.
- Siguruhin na nag mga kagamitan ay nasa mabuting kalagayan at estado upang masiguro ang kaligtasan ng mga manggagawa at mailayo sila sa anumang sakuna.
- Siguruhin na walang maaargabyadong mga manggagawa sa lahat ng paggawa o serbisyong ipinagkakaloob sa kumpanya.
- Pangangalaga sa kapakanan ng mga babaeng manggagawa sa panahon ng kanilang pagbubuntis, hanggang sa makapanganak at mabigyang pagkakataon na makapagpasuso.
- Kapag ipinagkatiwala sa manggagawa ang tabaho, nararapat din na tiyakin ang kaligtasan at kalusugan nito.
- Ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya ay dapat batid ng mga manggagawa at kailangang siguruhin ang kanilang kaligtasan batay sa mga kagamitang nais nilang magamit habang nasa trabaho.
Samantala, narito naman ang mga nararapat na gampanan ng mga manggagawa:
- Ang bawat manggagawa ay nararapat na siguruhin ang kaligtasan habang gumagawa gayundin ang sa sinumang maaaring maapektuhan ng kanilang mga hakbang.
- Ang mga maggagawa ay kailangang makipagtulungan sa mga amo sa pagsasagawa ng mga tungkulin upang maseguro ang kalusugan at kaligtasan habang nasa trabaho.